Pagong ay dahan-dahang naglalakad, bitbit ang kanyang matibay na baluti, habang ang mabilis at mataas na Kuneho ay naglalakad kasabay niya, na may mapaglarong ngiti sa labi.
"Pagong, hindi ka ba napapagod sa kabagalan mo? Siguro matatapos na ang araw bago ka makarating sa iyong pupuntahan,"
Pagong ay napatigil at napakunot ang noo, ramdam ang pang-uuyam ng kasama.
"Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya,"
"Anong paligsahan ang nais mo? Tutal, gusto ko rin ng kaunting aliw,"
"Unahan tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok,"
Nagningning ang mga mata ni Kuneho, sabik na tanggapin ang hamon, habang si Pagong ay determinadong patunayan ang kanyang kakayahan.
Dumating ang mga kaibigan nila: si kalabaw na matibay, si kabayo na mahaba ang buhok, si baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Ang bawat isa ay sabik na sabik sa panonood ng kakaibang paligsahan.
Unggoy, na laging masigla, ang pumagitna para magbigay ng hudyat, bitbit ang maliit na kampana.
"Handa na ba kayo? Isa... dalawa... tatlo, simula!"
Agad na sumibad si Kuneho sa damuhan, nag-iiwan ng alikabok, habang si Pagong ay dahan-dahang sumusunod, kalmado at walang iniinda.
Sa bawat hakbang ni Pagong, ramdam niya ang bigat ng baluti, ngunit hindi siya tumigil.
Pagdating ni Kuneho doon, napansin niyang malayo pa si Pagong, kaya naupo siya sa ilalim ng puno.
"Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Napakalayo ng agwat naming dalawa,"
Hindi namalayan ni Kuneho na siya'y nakatulog, habang si Pagong ay patuloy na umaakyat, tahimik ngunit matiyaga.
Pagdating ni Pagong, siya ay hingal ngunit masaya, at siya ay naupo upang magpahinga. Biglang nagising si Kuneho at dali-daling tumakbo pataas, ngunit huli na siya.
"Panalo si Pagong!"
Naghiyawan ang mga hayop, nagpalakpakan at lumapit kay Pagong upang batiin siya.
"Pagong, patawad sa aking pang-uuyam. Natutunan kong hindi dapat maliitin ang kakayahan ng iba,"
Ngumiti si Pagong, at mula noon, naging halimbawa siya ng tiyaga at pagpapakumbaba sa buong kagubatan.
















